MGA LARONG PAMBATA SA PILIPINAS.

Ibang iba na talaga ang panahon ngayon, di katulad noong kabataan ko ay madalas nasa kalsada kami at naglalaro ng mga larong pang-bata, di katulad ngayon, mga kabataan ay madalas maglaro ng video games at nasa bahay lang, nakakalimutan na ang mga tradisyunal na larong pambata.

Tumbang Preso

– ito yung may isang taya sa harapan at kayo ay nasa base(isang guhit sa lupa na di kayo pwedeng lumagpas), kailang mo ng tsinelas at isang lata ng Alaska! Oo Alaska dahil walang Carnation noon puro Alaska at bearbrand lang ang mga naka latang gatas. Sa paglalaro ng tumbang preso ang taya ay nagbabantay sa kanyang lata na huwag tamaan ng sinelas ng tumitira, nas loob ng bilog ang sinelas at kapag walang naka tira nito ang pinaka malayong sinelas sa bilog ay siya ang magiging taya, kapag tinamaan mo ang lata at ito ay tumayo ikaw ang taya, kapag nakulong sa bilog ang iyong sinelas – ikaw ang taya, kapag tinamaan mo ang lata at natumba ito dali dali kayong kunin ang sinelas ninyo bago maitayo ang lata ng taya at maabutan kayo ng taya na wala sa base.

Design a site like this with WordPress.com
Get started